Wednesday, March 26, 2014

On TV Shows and Goin' Bulilit

Background: 
September 15, 2013.
Nasa ospital si Papa nun sa Lucena City. Nagcommute kami ni Maui papuntang Lucena from Buendia kase nga mahirap dalahin si charchar ng long drive (more explanation here). Papa is in good spirits kase pinasalubungan namin sya ng Red Ribbon at nagpakitang-gilas pa sya at kumain ng dalawang pirasong pastry (kung hindi ako nagkakamali isang mamon at isang chocolate chiffon). Kamustahan at kwentuhan at me kasamang nood ng TV on the side.

On TV and TV Shows.
Dahil Linggo nga noon palabas pala yung Goin' Bulilit sa Channel 2. Para sa mga hindi nanonood ng TV or wala sa pilipinas, basahin itong wikipedia entry about Goin Bulilit

Another background on Goin Bulilit. Dati biased ako sa Goin Bulilit (read: inis, grumpy). Itanong nyo pa ke Maui. Bakit? Ewan! Baka hindi ko trip yung acting at pagpapatawa ng mga bata dun? Baka hindi ako natutuwa ke Dagul? Baka kase like ko lang maging "grouch" kagaya ni spiderham (peace tayo spiderhammy) sa harap ng TV? Or baka wala lang talaga, trip trip lang, ang sabi nga ni Macy at Fiona "Walang basagan ng Tlip (Trip)".

Going back sa main topic. Nung nagsisimula na yung Goin' Bulilit, ang sabi ni Papa "Ay Goin' Bulilit pala ngayon" at kinuha at sinuot nya ang kanyang hearing aid at umayos sya ng pwesto sa kama para makapanood ng TV.

Eto ang ang nahanap kung clip/teaser ng episode na yun sa Youtube.

Honestly hindi ko alam na paborito pala nya yung Goin' Bulilit. Tinanong ko si Mama at kinonfirm nya na paborito daw talaga ni Papa yung show at palaging nyang pinapanood sa Lopez linggo linggo.

OK naman ang episode na yun. Panalo, kase nga si Lloydie. Nakita nyo naman siguro sa clip. Ang natandaan ko pa dun eh yung tinuturuan ni John Lloyd na mag suot ng tie yung isang bata (teka maghanap pa ako ng clip nun sa youtube at iupdate itong post na ito).

Pero ang mas panalo ay yung naranasan ko that day. Grabe, ang lakas ng tawa ni Papa sa mga jokes at hirit nung mga bata Yung tipong pumalakpak pa sya. Tuwang-tuwa sya! Yung tipong tuwang-tuwa sa galak (pun intended)! Napaisip ako ng matagal-tagal, bakit nga pala ako grouch o grumpy sa Goin Bulilit? Wala naman silang atraso sa akin di ba? In fact napapatawa nila ang Tatay ko ng ganun (hindi ko nagawa yun in the past months e)! Priceless yung moment na yun ha! Right there and then pri-nomise ko sa sarili ko na never ko na aalaskahin yung Goin Bulilit at yung mga cast nito. Sinabi ko rin itomg promise na ito ke Maui nung nasa byahe na kme pabalik sa Maynila.

Reflection:
Inner Child. Child at heart. Papa showed us the inner child inside him that day. Mahirap i-express at i-explain ng words e. Yung parang kahit sobrang sakit na pala yung nararamdaman nya sa puso (again look at the date), eto pa rin sya enjoying the TV show and laughing out loud about it.

So siguro reminder ito sa akin, at sa ating lahat na rin, na kahit na anong hirap ang pinagdadaanan natin, take time to relax, smile, laugh and enjoy some TV show.

Yun lang muna siguro kase nagpromise ako na "happy thoughts" lang dito welovevicos blog so lets keep it that way (Although aaminin ko na habang sinusulat ko ito sa notepad sa pc. senti na naman si Dadag ninyo, mabuti na lang me tisyu sa tabi ko).

Again, lesson from the post: Take time to relax, smile, laugh and enjoy some TV show. Enjoy Life!

Pahabol:
Meron akong mas bago at mas scientifically backed explanation kung bakit nde ko trip yung Goin' Bulilit dati. Stuck ako sa panahon/moment na ang "Ang TV" ang best comedy TV show para sa mga bata at bagets na tulad ko. Walang kokontra ok? Do wa di bi di bi dum dibidooo! Ang TV FTW!!!

Hehehe!

Til next post...