Tuesday, October 4, 2016

On Oktoberfest and Travels

Long time no post!  Actually iniisip ko na magpost in time for 3rd anniv ng pagpanaw ni Papa. Pero anong topic ang ok, yun yung dilemma. Kase nga everytime maiisipan ko magpost dito, nagsesenti-mode ako so sabi ko sa halip na pwersahin ko magpost, why not wait for the right moment na me happy thoughts ako.

Tapos today, ISO process audit ko sa office at yung auditor ay isang Aleman at syempre over lunch me mga kwentuhan sessions kme. Napunta ang usapan namin from Manila traffic woes to Berlin traffic na napunta sa usapang pagbisita ko sa Munich nung 2011. Customer event yun sponsored ng offfice at nagpresent ako sa mga customers namin about sa produkto at services ng HQ namin dito sa Pinas, then good timing kse Oktoberfest. Good reminiscing moment rin for today kase Oktoberfest 2016 ended yesterday so great timing so binisita ko mga old pics ko at eto ang nakita kong pic...



German Gingerbread Heart yan. Lebkuchenherzen yata german local name. Isa yan sa pasalubong ko ke Papa nung travel ko na yun. Ang cool di ba? Tapos syempre inexplain ko na namesake nya yung hotel na tinuluyan ko (Victor Residenz Hotel). Pinakita ko rin sa kanya ang mga pictures na kinuha ko sa Oktoberfest, sa Airport at iba't ibang lugar na napuntahan ko.

Everytime magtatravel ako out of the country, magkukuwentuhan kami ni Papa pagbalik ko sa Pinas. Interesado yan sa mga lugar na napuntahan ko, kung ano ang currency dun (haha nagkokolekta nga pala ng paper notes ng ibat ibang bansa), ano ang weather, ano ang mga lahi dun, are they hospitable, kamusta pagkain, at me mga weird tanong at request din (anong kulay ng bato or pebbles na nakita ko dun, at sana daw nagdala ako pabalik sa pinas). Ipaparallel nya yun sa mga travel nya sa Indian Ocean/Diego Garcia at Morocco. Good times!!!

Naikwento ko rin yata na binisita ko yung simbahan na malapit sa Oktoberfest venue (Theresienwiese) tapos naalala ko nde ko pa natutuloy yung post ko tungkol sa mga simbahan na nabisita ko na. So posting the picture here too...


Nakalimutan ko na name ng simbahan (St. Paul yata). Ireresearch ko yan at mag post ng update ng mga old pics ng Munchen Travel ko, nde ko lang alam kung dito or sa chartotem or sa menardconnect.com ko ipost. Promise this month yan :)

Isa sa mga magandang natutuhan ko kay Papa ay magkaroon ng personal relationship with God. Thank you Papa! Lalo itong pinagtibay nung Mahirap i-explain at saka baka mag emo-mode na naman ako so happy memories na lang muna.

But today I'm posting this as a good reminder for me to continue that plan to share yung mga pic ng simbahan na nabisita ko via a blog post.

Til next post...