Sunday, September 20, 2020

On Games

Ngayon ang 7th year anniversary ng pagpanaw ni Papa. Gusto kong mag-share ng happy memories dito sa WeLoveVicos blog kaya magkwento ako ng mga computer games na kinagigiliwan namin :)

Mahuhulaaan nyo ba ang pinakapabirito nyang game sa Nintendo Family Computer? 

<image credits: oldgameshelf.com> 

Yup! Battle City


<image credits: funnygames.org> 

Sya ang Player 1 (at ikaw ang player 2) at naku! patagalan ng laro ito. Kaya ninyong laruin yung 50(?) stages ng battle city at aabot pa kayo sa mga pang 51+ stage (na yung mapa ay parang pang yung last Stage 1-50 maps pero nagshift right or left yung buong mapa!) 
Expert sya sa Battle City at magaling sa opensa at depensa! 

Para maalala nyo yung Battle City eto ang video nito:  

At alam nyo pa ba kung ano pa ang isa pang paborito nyang game sa famicom?

<image credits: retrogames.cz>
 
Twiiiin Beeee! 

Matagal ko ng hindi nakikita itong game na ito, kaya heto ang nahagilap ko na video sa youtube: 

Very iconic ang sound at gameplay ng Twin bee! Nakakamiss talaga ito. 
Naalala ko pa ang paborito nyang power-up sa game na ito ay yung bell na blinking pula/puti, eto yung magkaka-anino ang player mo na may kasamang extra fire power!!! 

Happy thoughts talaga ang Battle City at Twin Bee para sa akin :) 

Join me in saying a little prayer for my Papa Vic today:

Eternal rest grant unto him/her, O Lord, 
And let Your perpetual light shine upon him! 
May he rest in peace. 
Amen. 

Hanggang sa susunod na blog post :)