Isa sa mga huling text message ng tatay ko sa akin ay tungkol sa pagdadasal. I-shashare ko sa inyo ang SMS na ito sa baba. Sa totoo lang, nung sinend nya ito sa akin ay natuwa ako, bagong perspective sa pagdadasal. At nung una ko sya dinasal ang mga naalala ko ay yung mga naapektuhan ng lindol sa Bohol at Cebu at mga karatig probinsya nila sa Visayas. Ngayon naman ang naalala ko ang mga nasalanta ng Bagyong Yolanda/Haiyan, kaya nararapat at natataon talaga na ipost ito ngayon.
Ang screencapture ng SMS:
Ang mga salitang laman nito:
"5 Fingers of Prayer"Mahilig mag-forward ng mga message ang tatay ko. Minsan religious text message, Minsan comedy text message. Minsan hindi. Nakakataba lang ng puso na itong text message na ito patungkol sa 5 Fingers of Prayer ay nakapamakahulugan ng mensahe.
1. Thumb - is nearer to you, so pray for those who are closest to you.
2. Pointing Finger - pray for those who teach, instruct & heal.
3. Tallest Finger - pray for our leaders, they need God's guidance.
4. Ring Finger - is the weakest finger, so pray for those who are weak, troubled or in need.
5. Little Finger - is the smallest to remind you to pray for yourself.
Ang repleksyon ko sa text message na ito at sa 5 fingers of prayer:
- Ang hinlalaki, pagdadasal sa mga malalapit sa akin, ito ay madalas ng bahagi ng mga dasal ko. A validation.
- Ang hintuturo, hindi ko pala ito madalas ginagawa, ang pagdadasal para ang mga nagtuturo, at nagpapagaling, pero tama nga naman na isama sila sa panalangin. Kaya ngayon ay mas dadalasan ko na silang isama sa intensyon ng mga dasal.
- Ang hinlalato. Biharang-bihira ko ito gawin, Baka sa common prayers sa misa. Pero come to think of it, kelangan talaga ng mga lider natin ng dasal. Maganda rin naman na isama sila sa mga panalangin.
- Ang palasingsigan. Ang mga mahihina at nangangailangan ng tulong. Biktima ng kalamidad at sakuna, kagaya ng mga naapektuhan ng bagyong Yolanda. Napakagandang point of view, the best sa 5 fingers IMHO. Always a good idea na sila ay isama palagi sa panalangin araw araw.
- Ang hinliliit. Lesson I learned: ilagay sa huli ang sarili (kase aaminin ko me times na palaging pansarili yung dinadasal ko dati) pero ang importante naman e huwag kalimutang magdasal para sa sarili.
God bless us all!
No comments:
Post a Comment