Happy New Year!!!
Ngayon daw ay Epiphany or Feast of the Three Kings. Sa atin sa pinas pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, yan ang madalas na greetings, "Happy Three Kings!" Tapos kahapon, umattend kme ng misa at syempre ito ang topic ng homilya so naisipan ko na ito rin ang gawin topic dito sa blog na ito for this week.
Tatlong Hari. Three Kings. Three Wise Men. Magi.
Naalala ko pa ang kuwento ng pangalan naming magkakapatid. Me mga meaning or kahulugan daw ang bawat pangalan namin kase mga matalinhaga ang ang mga magulang lalo na ang aking tatay. Naalala ko yung isang kuwento ng Papa ko nung bata pa ako. Simulan natin sa panganay, yung panganay na lalaki daw ang ibig sabihin ng pangalan ay "My Love" o "My Love for You" (may kanta yatang ganun dati). Yung sa kasunod naman na babae ang ibig sabihin daw ay "Sky", at syempre literal na translation yung pangalan na yun sa spanish so sakto nga. Yung pangatlo naman na babae ang ibig sabihin daw ng pangalan at "Moon River", parang lang yung kanta.
As the story goes, kumpleto na raw nun kase nga me bundok (at presumably me kapatagan at iba pang bodies of land), me mga ilog (at presumably me mga dagat at iba pang bodies of water) at me sky or langit/alapaap so planeta na siguro yun, tapos me love na so kumpleto na. Teka teka, kung kumpleto na, nasaan kaming tatlong bunso? Ang sabi ng Papa ko, ang kulang na lang eh yung inhabitants, so dun daw pumasok yung tatlong hari. Si King Andrew, Si King Charles at si King Eugene to explore and rule the land. Kaya yan daw ang pangalan daw naming tatlong sumunod eh may kasamang pangalan ng hari.
Tatlong Hari. Yun lang muna. Hehe. Bitin ba?
Sorry. Hindi ko maituloy, senti na naman ang lolo nyo.
No comments:
Post a Comment