Monday, November 17, 2014

On Flowers and Plants

Its been a long time since the last post. Happy thoughts lang so naisipan ko na magpost tungkol sa mga halaman at bulaklak :)

Background:
September 8, 2013
Me mga pinapakita akong picture ke papa sa cellphone ko sa ospital sa Lopez. Sa pagkakaalala ko mga picture ng apo nya via facebook. Nagrequest sya sa akin na picturan ko daw yung bulaklak nya sa 3rd floor kase matagal na daw nyang hindi nya nabibisita mga halaman nya sa 3rd floor. So pagkasimba ko pinicturan ko yung dilaw na bulaklak at iba pang halaman dun.

Full bloom nga!!!



Next pic is yung katabi, marami ng bulaklak na malapit na bumuka.



After 1 week, nung bumisita ulet kme ni Maui sa kanya sa ospital sa Lucena, pinakita ko yung picture na yan from my camera at sinabi nya "Ang ganda ano?" at natuwa sya sa picture nung mga bulaklak at mga halaman nya sa 3rd floor. Lalung-lalo na daw sa dilaw na bulaklak dahil maganda daw yung pagkakabulaklak nito ngayong taon.

Mahilig sa mga halaman si Papa. Isa sya sa mga taong me tinatawag na merong green thumb. Mapa-herbal, mapa-gulay, mapa-bulaklak, mapa-fruit bearing plant basta tinanim nya, tutubo yang halaman na yan. Naalala ko pa noong bata kame sa lote namin sa Catanauan, me isang area dun na lahat kaming magkakapatid ay pinagtatanim nya ng niyog, lahat talaga regardless of age, magtatanim. Actually nakaready na yung lupa, sa mga bata kelangan buhatin na lang yung niyog na me dahon na at i-shoot sa lupa at tatabunan na lang, tapos na tanim na yun. Tapos pag tumubo na yun pagkatapos ng ilang taon, ipagmamalaki nya na "Yan yung puno ng niyog na tinanim mo", syempre proud naman ako sa sarili ko dahil mas malaki na yung puno ng niyog sa akin by that time. Ganyan din ang siste sa Kalantipayan, pero this time kasama na ang mga apo ang ang buong angkan sa pagtatanim. At come get-together/reunion time, ipagmamalaki nya na sa lahat ng "Yan yung puno ng niyog ni <insert name of anak or apo here>".

Naalala ko ang isa mga paborito nyang itanim sa halamanan namin sa Lopez ay yung mga herbal (gaya ng asitava at serpentina ba yun?). Tapos yung serpentina pinapa-try nya ipakain sa akin, ilagay ko lang daw sa saging tanggal daw ang pait nun, good for the health daw. Pero hanggang oregano lang ang kaya powers ko noon (oo umiinom ako ng boiled oregano + calamansi juice pag me sipon at ubo ako) so magaling talaga akong umiwas sa mga herbal at pito-pito suggestions nya hehehe :-) )

I just wonder kung sino sa mga anak nya at mga apo nya ang nakamana sa pagigiging green thumb nya. Teka nga at makapag-interview sa facebook kung sino na green thumb sa amin (at baka i-uupdate ko itong blog post na ito). Gusto ko ring talagang maging interactive itong welovevicos blog so itatanong ko rin sa kanila kung ano yung natatandaan nilang itinanim nila ni Papa at magplan para sa next post.

Hanggang sa susunod na blog post....

P.S.
I took some pics sa 3rd floor nung paborito nyang dilaw na bulaklak nung 1 year d anniv ni Papa.



Not full bloom e :(
Not sure kung hindi pa talaga saktong flowering season nya or dahil kay bagyong GlendaPH (or baka miss na rin nila si Papa :-( .

We miss you Papa! We love you so much!!!


Wednesday, March 26, 2014

On TV Shows and Goin' Bulilit

Background: 
September 15, 2013.
Nasa ospital si Papa nun sa Lucena City. Nagcommute kami ni Maui papuntang Lucena from Buendia kase nga mahirap dalahin si charchar ng long drive (more explanation here). Papa is in good spirits kase pinasalubungan namin sya ng Red Ribbon at nagpakitang-gilas pa sya at kumain ng dalawang pirasong pastry (kung hindi ako nagkakamali isang mamon at isang chocolate chiffon). Kamustahan at kwentuhan at me kasamang nood ng TV on the side.

On TV and TV Shows.
Dahil Linggo nga noon palabas pala yung Goin' Bulilit sa Channel 2. Para sa mga hindi nanonood ng TV or wala sa pilipinas, basahin itong wikipedia entry about Goin Bulilit

Another background on Goin Bulilit. Dati biased ako sa Goin Bulilit (read: inis, grumpy). Itanong nyo pa ke Maui. Bakit? Ewan! Baka hindi ko trip yung acting at pagpapatawa ng mga bata dun? Baka hindi ako natutuwa ke Dagul? Baka kase like ko lang maging "grouch" kagaya ni spiderham (peace tayo spiderhammy) sa harap ng TV? Or baka wala lang talaga, trip trip lang, ang sabi nga ni Macy at Fiona "Walang basagan ng Tlip (Trip)".

Going back sa main topic. Nung nagsisimula na yung Goin' Bulilit, ang sabi ni Papa "Ay Goin' Bulilit pala ngayon" at kinuha at sinuot nya ang kanyang hearing aid at umayos sya ng pwesto sa kama para makapanood ng TV.

Eto ang ang nahanap kung clip/teaser ng episode na yun sa Youtube.

Honestly hindi ko alam na paborito pala nya yung Goin' Bulilit. Tinanong ko si Mama at kinonfirm nya na paborito daw talaga ni Papa yung show at palaging nyang pinapanood sa Lopez linggo linggo.

OK naman ang episode na yun. Panalo, kase nga si Lloydie. Nakita nyo naman siguro sa clip. Ang natandaan ko pa dun eh yung tinuturuan ni John Lloyd na mag suot ng tie yung isang bata (teka maghanap pa ako ng clip nun sa youtube at iupdate itong post na ito).

Pero ang mas panalo ay yung naranasan ko that day. Grabe, ang lakas ng tawa ni Papa sa mga jokes at hirit nung mga bata Yung tipong pumalakpak pa sya. Tuwang-tuwa sya! Yung tipong tuwang-tuwa sa galak (pun intended)! Napaisip ako ng matagal-tagal, bakit nga pala ako grouch o grumpy sa Goin Bulilit? Wala naman silang atraso sa akin di ba? In fact napapatawa nila ang Tatay ko ng ganun (hindi ko nagawa yun in the past months e)! Priceless yung moment na yun ha! Right there and then pri-nomise ko sa sarili ko na never ko na aalaskahin yung Goin Bulilit at yung mga cast nito. Sinabi ko rin itomg promise na ito ke Maui nung nasa byahe na kme pabalik sa Maynila.

Reflection:
Inner Child. Child at heart. Papa showed us the inner child inside him that day. Mahirap i-express at i-explain ng words e. Yung parang kahit sobrang sakit na pala yung nararamdaman nya sa puso (again look at the date), eto pa rin sya enjoying the TV show and laughing out loud about it.

So siguro reminder ito sa akin, at sa ating lahat na rin, na kahit na anong hirap ang pinagdadaanan natin, take time to relax, smile, laugh and enjoy some TV show.

Yun lang muna siguro kase nagpromise ako na "happy thoughts" lang dito welovevicos blog so lets keep it that way (Although aaminin ko na habang sinusulat ko ito sa notepad sa pc. senti na naman si Dadag ninyo, mabuti na lang me tisyu sa tabi ko).

Again, lesson from the post: Take time to relax, smile, laugh and enjoy some TV show. Enjoy Life!

Pahabol:
Meron akong mas bago at mas scientifically backed explanation kung bakit nde ko trip yung Goin' Bulilit dati. Stuck ako sa panahon/moment na ang "Ang TV" ang best comedy TV show para sa mga bata at bagets na tulad ko. Walang kokontra ok? Do wa di bi di bi dum dibidooo! Ang TV FTW!!!

Hehehe!

Til next post...

Monday, January 13, 2014

On Three Kings Part 2

Eto itutuloy ko na yung last post.

Tatlong Hari.

Si King Andrew, Si King Charles at si King Eugene. Hari yan lahat kaya walang magpapatalo, walang magpapadaig sa isat isa, lahat gusto maging hari. Naalala ko ng minsang nag-aaway kami nung bata pa kami (not sure kung sino ba sakto kaaway ko, verbal lang naman yung away walang physical contact). Ipinaliwanag ni Papa na yan daw yung drawback ng pagpapangalan sa amin ng hari, walang ayaw magpatalo, lahat gusto maging hari, lahat mainitin ang ulo, lahat nakataas kaagad ang boses (parang naka-angil daw kaagad). Pero dapat daw kaming magbigayan, hindi daw lahat nakukuha sa galit at init ng ulo. Kaya nga daw tinawag na magkakapatid, pare-pareho ng pinagpatiran ng pusod (that time nde ko alam na yun pala yung root word ng magkakapatid).

Back to the epiphany homily. Hindi naman daw Three Kings talaga, parang Wise Men (or Magi) na nag-alay (gold, frankincense and myrrh) kaya by tradition naging tatlo kaya nagin Three Kings. Wise Man, Magi, Pantas, full of wisdom, full of knowledge. Pwede naman palang ganun yung origin ng three kings, three wise men.

Ngayong malalaki na kami bihira na yung mga away away na ganun. Marunong na kameng magbigayan. Mature na (siguro) kaming tatlo now at mas naiintidihan na namin ang isa't isa.

Three Kings... Three Wise Men. Pwede...

Hanggang dito na lang muna. Baka ma-oversenti pa ako.

Until next post...

Happy new year ulet sa lahat.

Monday, January 6, 2014

On Three Kings Part 1


Happy New Year!!!



Ngayon daw ay Epiphany or Feast of the Three Kings. Sa atin sa pinas pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, yan ang madalas na greetings, "Happy Three Kings!" Tapos kahapon, umattend kme ng misa at syempre ito ang topic ng homilya so naisipan ko na ito rin ang gawin topic dito sa blog na ito for this week.



Tatlong Hari. Three Kings. Three Wise Men. Magi.

Naalala ko pa ang kuwento ng pangalan naming magkakapatid. Me mga meaning or kahulugan daw ang bawat pangalan namin kase mga matalinhaga ang ang mga magulang lalo na ang aking tatay. Naalala ko yung isang kuwento ng Papa ko nung bata pa ako. Simulan natin sa panganay, yung panganay na lalaki daw ang ibig sabihin ng pangalan ay "My Love" o "My Love for You" (may kanta yatang ganun dati). Yung sa kasunod naman na babae ang ibig sabihin daw ay "Sky",  at syempre literal na translation yung pangalan na yun sa spanish so sakto nga. Yung pangatlo naman na babae ang ibig sabihin daw ng pangalan at "Moon River", parang lang yung kanta.

As the story goes, kumpleto na raw nun kase nga me bundok (at presumably me kapatagan at iba pang bodies of land), me mga ilog (at presumably me mga dagat at iba pang bodies of water) at me sky or langit/alapaap so planeta na siguro yun, tapos me love na so kumpleto na. Teka teka, kung kumpleto na, nasaan kaming tatlong bunso? Ang sabi ng Papa ko, ang kulang na lang eh yung inhabitants, so dun daw pumasok yung tatlong hari. Si King Andrew, Si King Charles at si King Eugene to explore and rule the land. Kaya yan daw ang pangalan daw naming tatlong sumunod eh may kasamang pangalan ng hari.

Tatlong Hari. Yun lang muna. Hehe. Bitin ba?

Sorry. Hindi ko maituloy, senti na naman ang lolo nyo. Teka nga at i-draft post ko lang muna ito....

Abangan ang karugtong na post... soon...