Monday, January 13, 2014

On Three Kings Part 2

Eto itutuloy ko na yung last post.

Tatlong Hari.

Si King Andrew, Si King Charles at si King Eugene. Hari yan lahat kaya walang magpapatalo, walang magpapadaig sa isat isa, lahat gusto maging hari. Naalala ko ng minsang nag-aaway kami nung bata pa kami (not sure kung sino ba sakto kaaway ko, verbal lang naman yung away walang physical contact). Ipinaliwanag ni Papa na yan daw yung drawback ng pagpapangalan sa amin ng hari, walang ayaw magpatalo, lahat gusto maging hari, lahat mainitin ang ulo, lahat nakataas kaagad ang boses (parang naka-angil daw kaagad). Pero dapat daw kaming magbigayan, hindi daw lahat nakukuha sa galit at init ng ulo. Kaya nga daw tinawag na magkakapatid, pare-pareho ng pinagpatiran ng pusod (that time nde ko alam na yun pala yung root word ng magkakapatid).

Back to the epiphany homily. Hindi naman daw Three Kings talaga, parang Wise Men (or Magi) na nag-alay (gold, frankincense and myrrh) kaya by tradition naging tatlo kaya nagin Three Kings. Wise Man, Magi, Pantas, full of wisdom, full of knowledge. Pwede naman palang ganun yung origin ng three kings, three wise men.

Ngayong malalaki na kami bihira na yung mga away away na ganun. Marunong na kameng magbigayan. Mature na (siguro) kaming tatlo now at mas naiintidihan na namin ang isa't isa.

Three Kings... Three Wise Men. Pwede...

Hanggang dito na lang muna. Baka ma-oversenti pa ako.

Until next post...

Happy new year ulet sa lahat.

No comments:

Post a Comment