Matagal ko ng plano ito pero syempre eksperto ako dun sa tinatawag na "procrastination" so ayun plano lang ng plano at drawing lang ng drawing. Napag-isip isip ko na maraming "words of wisdom" ang tatay ko at para ma-record ko ito at nde ko makalimutan, kelangan kong isulat sa isang blog.
Bakit ganyan yung title ng blog?
Ang Surveyor kase nga surveyor ang tatay ko. Manunukat ng lupa/agrimensor ang karaniwang tawag sa kanila. Geodetic Engineer ang nakalagay sa business card. Pag gusto nya magpakwela ang tawag nya sa kanya eh "Maninilip ng pag-aari ng iba" hehehe.
Ang Computer Engineer kase ako yan, computer engineer ako (or mas tama yatang computer engineering ang course na natapos ko). Oo, alam ko marami pa akong ibang titles at roles. Marami rin akong ibang raket pero yan na lang muna. Blog ko ito kaya dapat nandyan ako sa title. Kaya wala ng kokontra ok?
Usapan. Kase nga yung idea na kukuhain ko yung mga "words of wisdom" nya, kukuhain ko sa mga napag-usapan namin.
Yan na muna ang title, sabi ng blogspot pede naman daw baguhin.
Ano ang magiging laman ng blog na ito (or mas maganda kung anong plano kong maging laman ng blog)?
Ang mga usapan at kwentuhan namin sa kung anu-anong bagay at mga "insights" ko sa mga usapang ito. Good stuffs, walang reklamo at walang rants (hehe me ibang blog para doon).
Wag na muna natin planuhin masyado, baka maudlot. Basta sulat lang ng sulat sa blog at i-publish.
Wish me luck (na sana ma-sustain ko itong blog na ito) at welcome sa bagong blog ko!
No comments:
Post a Comment