Tuesday, November 19, 2013

On Praying

Background:
Isa sa mga huling text message ng tatay ko sa akin ay tungkol sa pagdadasal. I-shashare ko sa inyo ang SMS na ito sa baba. Sa totoo lang, nung sinend nya ito sa akin ay natuwa ako, bagong perspective sa pagdadasal. At nung una ko sya dinasal ang mga naalala ko ay yung mga naapektuhan ng lindol sa Bohol at Cebu at mga karatig probinsya nila sa Visayas. Ngayon naman ang naalala ko ang mga nasalanta ng Bagyong Yolanda/Haiyan, kaya nararapat at natataon talaga na ipost ito ngayon.

Ang screencapture ng SMS:

Ang mga salitang laman nito:
"5 Fingers of Prayer"
     1. Thumb - is nearer to you, so pray for those who are closest to you.
     2. Pointing Finger - pray for those who teach, instruct & heal.
     3. Tallest Finger - pray for our leaders, they need God's guidance.
     4. Ring Finger - is the weakest finger, so pray for those who are weak, troubled or in need.
     5. Little Finger - is the smallest to remind you to pray for yourself.
Mahilig mag-forward ng mga message ang tatay ko. Minsan religious text message, Minsan comedy text message. Minsan hindi. Nakakataba lang ng puso na itong text message na ito patungkol sa 5 Fingers of Prayer ay nakapamakahulugan ng mensahe.

Ang repleksyon ko sa text message na ito at sa 5 fingers of prayer:
  • Ang hinlalaki, pagdadasal sa mga malalapit sa akin, ito ay madalas ng bahagi ng mga dasal ko. A validation.
  • Ang hintuturo, hindi ko pala ito madalas ginagawa, ang pagdadasal  para ang mga nagtuturo, at nagpapagaling, pero tama nga naman  na isama sila sa panalangin. Kaya ngayon ay mas dadalasan ko na silang isama sa intensyon ng mga dasal.
  • Ang hinlalato. Biharang-bihira ko ito gawin, Baka sa common prayers sa misa. Pero come to think of it, kelangan talaga ng mga lider natin ng dasal. Maganda rin naman na isama sila sa mga panalangin.
  • Ang palasingsigan. Ang mga mahihina at nangangailangan ng tulong. Biktima ng kalamidad at sakuna, kagaya ng mga naapektuhan ng bagyong Yolanda. Napakagandang point of view, the best sa 5 fingers IMHO. Always a good idea na sila ay isama palagi sa panalangin araw araw.
  • Ang hinliliit. Lesson I learned: ilagay sa huli ang sarili (kase aaminin ko me times na palaging pansarili yung dinadasal ko dati) pero ang importante naman e huwag kalimutang magdasal para sa sarili.
Salamat po Papa sa pagbabahagi mo nitong 5 Fingers of Prayer text na ito sa akin.

God bless us all!


Saturday, November 16, 2013

On Cars and Automobiles

Background:
Umuwi ako ng Quezon kase nga nasa ospital ang tatay ko. September 7 yun weekend. Casual na usapan sa ospital, kumustahan. Napunta ang usapan sa pag-uwi ko at bakit ako nag-bus lang. Eto yung dialog namin, sa pagkakaalala ko:

Pa: Pano ka nakauwi? Dala mo si Char?
Me: Nagbus lang po ako. Ok nga yung bus mabilis lang byahe. Tapos Pa tingnan mo to oh, thermal na pala ticket ng AB Liner?

Side-story, matagal-tagal na rin pala akong hindi umuuwi ng Quezon ng nagbu-bus lang. Napabilib nga ako na thermal na pala ang ticket ng paboritong kong bus liner. Nakakaaliw ang bus ride experience ko. Btw yung Char, nickname ng oto ko.

Me: Me sira po si Char di ko maibyahe ng malayo.
Pa: Bakit kase hindi mo pa palitan yang sasakyan mo? Ang maganda nyan eh bumili ka na ng bago.
Me: Wala pa po akong pampalit. Wala pa pong budget.

Hehehe! Me standard na akong sagot sa ganitong tanong.

Me: Pa, kase nde pa po high priority ang sasakyan sa amin ni Maui. Ang top priority ko po ay yung bahay, kase nakita nyo naman pag umuulan maraming tulo. Then balak na rin po namin na magka-baby, yung dalawa pong iyun ang top priority. Next lower priority pa po yung sasakyan.

Honestly natuwa ako sa sagot ko. Isang napakahonest at candid na sagot base sa mga plano namin ni wifey. Pero nasorpresa ako sa next part ng convo.

Pa: Magkano ba ang condominium ngayon?
Me: Ayaw po namin ng condo, marami pang babayaran na monthly. Ang plano po namin eh house and lot.
Pa: Eh magkano ba ang house and lot ngayon?
Me: Mga 3M to 4M po. Outside city of manila pa yun. Mga Pasig or Quezon City.
Pa: Ang bigat pala! Mahal pala ano?

Hehehe! Akala ko nga mag-ooffer ng pang-down. More on this topic sa future post dito sa blog na ito. Balik kotse at oto muna tayo.

Mahilig ang tatay ko sa mga sasakyan. Bilang isang great family provider nakabili sya ng maraming sasakyan. Mula sa motor, tricycle (remind me of Tricycle, this is worth another post in the future), van at utility vehicle. Mahilig rin magbigay ang mga pamilya namin ng nickname sa mga sasakyan namin. Yun una naming sasakyan ay isang lumang fiera-type na utility vehicle (si Expi/Exped ba yun?) tapos nakabili rin sya ng L300 (si Vivi or VV, versa van daw kase) at pinakabago nyang sasakyan ay si Fuego (syempre Isuzu Fuego). Nakabili rin kaming magkakapatid ng mga sasakyan at natutuwa si Papa kapag pasko/holidays pag sama sama kame sa probinsya at pinapark namin lahat ng sasakyan namin sa tapat ng bahay namin. Feeling daw nya mayaman na kme :)

Ano ba ang pinakalatest na trip nyang oto? Hindi nakapagtataka kung ano ang latest dream car/auto nya. Ang alam ko dati like na like nya yung Isuzu DMax, pero recently ko lang nalaman na ang gusto na pala nya e yung Toyota Hilux. Bakit ko ito alam? See image below. yan yung ilan sa mga picture sa ibabaw ng table nya sa opisina.


Bagay naman sa kanya mapa-Dmax o Hilux man, kase nga good utility vehicle/pickup truck yung dalawa. Yang Hilux pala e pedeng bare chassis, at icustomize na lagyan ng FX for utility. Pedeng pampamilya at pedeng pang-business. Napakapraktikal talaga ni Papa!

Para ke Papa, ang sasakyan ay dapat nakakatulong sa pamilya sa paglalakbay (family travel) at the same time nakakatulong rin sa paghahanap-buhay (work or livelihood).  Tatandaan ko ito sa pagpili ko ng sasakyan sa hinaharap.

Ang naalala ko sa mga usapan namin dati e nagpaplano na syang kumuha ng brand new na pickup ngayong taon o sa kasunod na taon basta mag-work out yung mga transaksyon nya. Nakakalungkot lang na hindi na matutuloy yun :(

OK, OK, preno muna, happy thoughts lang itong blog na ito kaya with that tatapusin ko na muna itong post na ito.

Yun lang muna. Hanggang sa mga susunod na post. Abangan...

Friday, November 15, 2013

A Tribute

Namayapa na ang Tatay ko noong nakaraang September 20. Naiblog ko ang aking mga saloobin ditodito at dito.

Ang plano ko ngayon e ituloy-tuloy pa rin ang blog na ito bilang isang "Tribute" sa kanya. Happy thoughts lang at syempre yung mga "words of wisdom" pa rin nya ang laman. Sa ngayon babaguhin ko ang URL, gagawin kong welovevicos.blogspot.com. Kung kukuha ako ng sariling domain, hindi pa sure pero bahala na.

Sa ngayon yan pa rin ang title ng blog "Usapan ng Surveyor at ng Computer Engineer" pero iniisip ko pede ko rin bang imbitahan ang mga ibang mahal ko sa buhay para sumali at magpost rin dito. Pag nangyari yun malamang baguhin ko rin yung title ng blog para mas masaya.

Yun lang muna. Abangan ang susunod na mga posts...




Wednesday, August 28, 2013

On Politics and Dynasties

Background:
After ng usapan sa mobile phone over dinner, naitanong ko kung sino na ang congressman sa probinsya namin. Ang alam nya yung bago daw, kase yun daw yung nakikita nya na lumilibot nung me bagyo at nagbibigay ng tulong. Naikwento ko na me petition yung pamilya ng dating congressman. At dito na umikot ang usapan.

Mahilig sa pulitika ang tatay ko at maituturing mong aktibo ang pamilya namin sa pulitika. Active participant ika nga. Naging mulat ako sa pulitika nung si Ka Bobby pa ang kumakandidato para sa Kongreso. Active leader sya ni Ka Bobby at alam ko parang close friend na nila ni Mama si Ka Bobby at ang maybahay nito. After ng stint ni Ka Bobby sa kongreso ay patuloy na rin syang naging aktibo pero non-partisan na. Dahil nga dating Knights of Columbus Grand Knight at dahil na rin sa mga catholic religious groups na kinabibilangan nya, minsan na syang naging PPCRV chairman ng parokya at bayan namin. Anu-ano ang mga yung "views" nya sa pulitika. Alam ko marami ito, pero isesentro ko lang muna sa napag-usapan kanina:

On KB (Ka Bobby), nalulungkot sya na walang nagmana sa mga anak nya ng karisma at lambing sa mga karaniwang tao. Si KB daw kung ano ang opinyon at pinaninindigan sa isang isyu sa harap-harapang usapan sa publiko, ganun din ang paninindigan sa mga pampribadong diskusyon. Na-realize ko na ito rin ang obserbasyon ko, at sinabi  ko na lang mukhang bagong henerasyon na nga si E at T.

On PDAF. Hinahanap nya yung 70M na naka-assign daw per year sa distrito namin taun-taon parang wala daw syang nakikita. Kinorrect ko na more than 70M yung nakalista ke congressman E nung 2007-2009 CoA Report. Reminder to self, i-print ang CoA PDAF Report page para sa probinsya namin at ibigay sa kanya ang printout.

Mahabang diskusyon itong pulitika. Sa susunod na usapang surveyor at computer engineer baka ito ulit ang isingit kong topic.

Tuesday, August 27, 2013

On Mobile Phones

Background:
Binilhan ko ng cellphone ang tatay ko nung nakaraang buwan. Requested specs "Basta dual sim at me magandang camera." Budget-wise ako na daw bahala pero ranging from 3K to 5K daw (actually me utang ako sa kanya so dinagdagan ko na lang yung pambayad ko sana sa utang ko). Pag me TV daw ok rin na "nice to have" feature.

Enter Android.
So binilhan namin ng Myphone. Android at quad-core na touch screen. Ang wino-worry ko ay yung user experience (ng paggamit ng touch screen phone). Tinuruan ko gumamit ng touch-screen kase nga alam ko big shift yung "texting" at calling from usual Nokia to touch-screen.

Over dinner:
Tinanong ko kung "kamusta po? sanay ka na bang gumamit ng touch-screen phone?" Medyo surprised ako sa mga susunod na pangyayari. Naikuwento nya na wala na daw yung phone, sa palagay nya, nalaglag sa upuan ng jeep kase nga yung pantalon nya yung madudulas na slacks/black pants (hindi pa daw alam ng Nanay ko so treat info with caution). Nanghinayang ako sa phone kse syempre mahal rin yun, sabi ko sayang rin yung mga naka-save na number sa SIM. Pero iba talaga ang "positive thinking" ng tatay ko, naikwento nya na after mawala ng phone eh dumami daw yung nagpa-survey sa kanya at meron na kagad syang extrang pera pambili ng phone. Bumili na sya ng bagong phone yung mura lang. Pero gusto pa rin daw ng nya ng bagong phone na touch screen nga kase nagustuhan nya yung malaking screen. Sabi ko bibili kame one time na nasa Maynila sya at magkasama kame sa mall para sya mismo ang pipili. Pero this time sisiguraduhin namin na me mga safety feature (yung nakatali ba sa belt nya or ilalagay na nya palagi sa clutch bag nya.

On positive thinking...
Isa ito sa mga admirable traits ni Papa. Always looking at the positive side of things. Kahit bad news na pede pa rin hanapan ng good things. Namana ko ba ito sa kanya? Hehe oo pag good mood gayan rin ako naghahanap rin ako ng good side sa mga bad news. Sana lang mas maging consistent ako.

Positive things lang. Attract positive vibes!!!



Intro

Matagal ko ng plano ito pero syempre eksperto ako dun sa tinatawag na "procrastination" so ayun plano lang ng plano at drawing lang ng drawing. Napag-isip isip ko na  maraming "words of wisdom" ang tatay ko at para ma-record ko ito at nde ko makalimutan, kelangan kong isulat sa isang blog.

Bakit ganyan yung title ng blog?
Ang Surveyor kase nga surveyor ang tatay ko. Manunukat ng lupa/agrimensor ang karaniwang tawag sa kanila. Geodetic Engineer ang nakalagay sa business card. Pag gusto nya magpakwela ang tawag nya sa kanya eh "Maninilip ng pag-aari ng iba" hehehe.

Ang Computer Engineer kase ako yan, computer engineer ako (or mas tama yatang computer engineering ang course na natapos ko). Oo, alam ko marami pa akong ibang titles at roles. Marami rin akong ibang raket pero yan na lang muna. Blog ko ito kaya dapat nandyan ako sa title. Kaya wala ng kokontra ok?

Usapan. Kase nga yung idea na kukuhain ko yung mga "words of wisdom" nya, kukuhain ko sa mga napag-usapan namin.

Yan na muna ang title, sabi ng blogspot pede naman daw baguhin.

Ano ang magiging laman ng blog na ito (or mas maganda kung anong plano kong maging laman ng blog)?
Ang mga usapan at kwentuhan namin sa kung anu-anong bagay at mga "insights" ko sa mga usapang ito. Good stuffs, walang reklamo at walang rants (hehe me ibang blog para doon).

Wag na muna natin planuhin masyado, baka maudlot. Basta sulat lang ng sulat sa blog at i-publish.

Wish me luck (na sana ma-sustain ko itong blog na ito) at welcome sa bagong blog ko!